Ang pag-aaral ay isang bagay na dapat nating makuha. Ito ay napakaimportanteng pamana galing sa ating mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral, tayo ay makakaahon sa kahirapan, magiging matagumpay sa lahat ng maaari nating gawin at alam natin ang mga bagay-bagay. Ngunit paano tayo yayaman sa utak kung ang sistema mismo ng edukasyon sa Pilipinas at namumulubi? Kaya inaprubahan ang K to 12 educational program.
Ang K-12 ay isang pagbabago ng sistema ng edukasyon kung saan dadagdag ng dalawang taon sa pag-aaral. May kindergarten, anim na taon sa primary education, apat na taon sa Junior High School, at dalawang taon sa Senior High School. Itong programang ito ay magbibigay ng sapat na oras para mamaster ang mga konsepto't kakayahan ng mga estudyante at mahanda sila sa kolehiyo.
Sa K-12, magkakaroon ng mga dagdag na subjects na sadyang iba kumpara sa dating programa. Ang gma estudyante ay magkakaroon ng gma subjects na para sa kolehiyo ngunit basic pa lamang. Ayon kay Frioriello (2014), ang gma kindergarten ay dapat matuto ng numbers, alphabets, colors, at shapes. Sa ika-unang grade, Filipino at English ay dapat ituro kasama ang emphasis on oral fluency. Sa ika-4 na grade, ituturo parin ang Filipino at English ngunit instruction languages na. Sa ika-7 hanggang ika-10, Biology, Chemistry, Math, at Physics ay ituturo. Sa ika-11-12, mamimili na ang mga estudyante sa mga subjects na dapat nilang kunin. Ang mga subjects na iyon ay Language, Communications, Literature, Math, Natural Science, Philosophy, Social Science, Business, Management, Accountancy, Education, HUmanities, Technology, Engineering, at Sports & Arts. Sa pagkakaroon ng mga dagdag na subjects, maihahanda ng maigi ang mga estudyante sa kolehiyo.
Malaki ang gap ng High School sa Kolehiyo. Kaya madalas nasasabi na ibang iba ang kolehiyo. Dahil din sa gap na ito, di alam ng mga paparating na studyante sa kolehiyo kung anong kurso ang kanilang gustong kunin. Hindi sila na-introduce ng maayos. Sa pamamagitan ng K-12, magiging handa ang gma studyante. Maaaring mabawasan ang bulang ng mga nagshishift.
Ang K-12 ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa pag-aaral. Maeengganyo ang gma mag-aaral dahil magkakaroon ito ng sapat na kayamanan sa kaalaman na makakamit ng mga studyante. Ngunit di ito madali. Ang pagbabagong ito ay kinakailangan ng handa. Ang tanong, handa na ba ang Pilipinas?
Masasabi kong nagkaroon ng kakulangan ng paghahanda ang atong gobyerno ukol sa usapin ito ngunit kung tayo po ay magkakaroon ng kooperasyon sa bawat isa'y walang imposibleng maging matagumpay ang repormang ito sa ating bansa
TumugonBurahinMay kasiguraduhan po bang pag nakagraduate na kami ng SHS my trabaho ng naghihintay samin?
TumugonBurahinAng alam ko sunshine, the main purpose of getting into the senior highschool program is to make the students job ready after highschool. So, I think, depende parin sa student yun, kung anong skills ang natutunan niya pero, malaking tulong talaga ito kasi ituturo na sa inyo yung mismong ginagawa sa field. By the way, for maritime, you can choose the senior highschool program of PNTC.
TumugonBurahinAng lahat po ba ng gastusin sa eskwelahan ay sagot dn ba ng gobyerno tulad ng field trip school uniform p.e uniform project etc-slamat po ng marami
TumugonBurahin