Respeto. Ito ang madalas na pinapaalala sa amin ng aming guro. Siguro pinapaalala niya ito sa amin kasi napuno na siya sa aming pagkabastos at walang respeto. Napapansin niya na parang wala kaming gana sa kanyang klase. Maingay. Nagseselpon. Hindi nakikinig sa reporter. Walang respeto.
Paumanhin niyo po kami, mahal naming guro.
Sapagkat kami'y parang mga bata na hindi alam kung anong ibig sabihin ng respeto.
Sapagkat hindi kami marunong tumahimik at gamiting ang aming mga teynga.
Sapagkat mas inuuna pa namin ang aming mga telepono kaysa sa aming libro.
Salamat sa walang hangganang pagpapaalala samin
Salamat sa iyong pasensya sa pagtuturo
Sa iyong effort kahit pagod kana.
Sa iyong pagdalo sa bawat klase.
Ngayon, ginagawa na namin ang aming makakaya na kontrolin ang aming mga kilos
Ngayon, pinipigilan na naming ang pagsuway sa iyong utos at hiling.
Mahirap po para sa amin na baguhin ang aming nakasanayan.
Pero gagawin namin para di kana mastress at para rin sa displina namin.
Respeto ang salitang hindi namin makakalimutan sa iyo Sir Vidal. Salamat.
Filipino
Huwebes, Setyembre 11, 2014
K-12: Pag-asa o Paasa?
Edukasyon!
Isang salitang inaasam-asam, minimithi ng lahat ng tao dito sa mundo, lalung-lalo na dito sa ating bayan. Mayaman, mahirap, tama-tama lang - lahat hinahangad ito.
Dito sa Pilipinas, ang nakagawiang sistema ng edukasyon ay 2 taon sa pre-school, 6 na taon sa elementarya, at 4 na taon sa hayskul. sa sistemang ito, marami-raming bilang na ng mga bata ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Gusthuin man nila'y walang ipantutustos ang kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral. Ngunit, sa kabila nito, ay may inilunsad ang pamahaalaan na isang programa na naglalayon na mas palawakin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral at mas lalong hasain ang kanilang mga kakayahan - ang K-12 program.
Sa K-12, mayroong 2 taon sa kindergarten, 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa hayskul, at 2 taon sa senior hayskul. Kaiba mula sa nakagawiang sistema, mayroon itong "mandatory" na 2 taon sa kindergarten. Dati rati, pu-puwede ka lang dumeretso ng kinder 2 at hindi na dumaan ng kinder 1. Maganda ang layunin ng programang ito ng gobyerno, ngunit ang tanong, masasakyan kaya ng masa? Sa dating sistema nga eh marami nang hindi nakapag-aral, dito pa kaya na may dagdag pang 2 taon? Dagdag gastos na naman sa bulsa ng mga magulang.
Bukod pa sa mga nabanggit, sa K-12 program, dito na inihahanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo. Sa kapanahunan ng 12 taon na edukasyon sa ilalim ng programang ito ay nakapaloob na ang lahat ng tinatawag na "minor subjects" sa kolehiyo, lalung-lalo na ang mga patungkol sa wika, tulad ng Ingles at Filipino. Pagdating ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay puro "major subjects" na lamang ang kanilang aatupagin. Bilang resulta nito ay ang pagkawala ng trabaho ng mga gurong nagtuturo ng mga nabanggit na asignatura. Oo, nagbibigay ito ng pag-asang umunlad ang bayan dahil sa kalidad ng edukasyong dala ito, ngunit may kapalit namang mabigat na pasanin sa balikat ng mga magulang at ng mga guro.
K-12 program - programang naglalayong pabutihin pa ang kalidad ng edukasyon sa bayan at matulad ito sa ibang bansa; naglalayong hasain ang mga mag-aaral para mas lalo silang maging handa sa kolehiyo at sa realidad ng buhay. Ngunit, kaakibat ng mga magagandang hangarin nito ang dagdag gastos para sa mga magulang at kawalan ng trabaho sa mga guro. Mas humigit ang hatak ng negatibong aspeto sa mata ng mga mamamayan ngunit huwag ho rin sanang kalimutan ang positibong aspetong dala nito sa ating bayan. Ngayon, sa kalagayang ito, sa edukasyong mithiin ng mga tao, ano nga ba ang K-12? Pag-asa o paasa? Kayo na ang humusga.
Ang Buhay ni St. John Marie Vianney
Sa pagkakabasa ko ng talambuhay ni St. John Marie Vianney, ang patron ng mga pari, ay napamangha ako sa kanyang kababaang-loob, kanyang pagiging bukas-palad, at kanyang matinding debosyon sa Diyos. Napamangha rin ako sa kanyang pagpupursigi at pagsisikap sa pagiging isang pari at sa iba pa niyang nagawa at naiambag sa komunidad sa kanyang kapanahunan.
Si St. John Marie Vianney ay ipinanganak sa Pardilly, Lyons, France noong ika-8 ng Mayo 1786. sa pagpasok niya sa seminaryo ay talagang di kakwestiyon-kwestiyon ang kanyang debosyon ngunit isa sa mga balakid ay ang kanyang limitadong kaalaman. Dahil [dito] sa hamong ito, ay muntik na siyang hindi maordinahan bilang isang pari sa kanyang kahirapang pag-aralan ang wikang Latin na siyang pangunahing wikang ginagamit ng mga pari nang mga panahong iyon. Kamangha-mangha ang kanyang mithi sa kabila ng mga balakid na tulad ng mga nabanggit.
Nang si St. John Marie Vianney ay naordinahan na bilang isang pari at natalagang magsilbi sa bayan ng Ars, dito ako higit na namangha at nadala. Sa mag panahong ito ay marami siyang na-convert na mga tao sa paniniwala sa Diyos at ang kanyang pampalipas-oras ay ang makinig ng kumpisal sa loob ng 11-16 oras sa isang araw. Ngunit ang mas nakakabilib ay ang kanyang abilidad na makita ang nakaraan at kinabukasan ng kanyang mga penitente. Sa mga nabanggit na ito, tunay ngang isa siya sa mga tinawag ng Diyos at ang kanyang matinding debosyon sa Poong Maykapal ay di sukat; ang kanyang pananampalataya at paniniwala ay napakalaki; at ang pag-ibig niya para sa Diyos ay napakalawak. Dahil dito'y isinagawa niya at isinabuhay ang Pulong ng Diyos at ibinahagi niya sa iba ang mensahe ng kasulatan ng Poong Maykapal.
Tunay ngang tagapanglingkod si St. John Marie Vianney ng Diyos - tapat na sundalo at tagapaglingkod ng Poong Maykapal. Kaharap man ang kasamaan at ang pinuno ng mga ito, ang demonyo, at ilang mga galamay nito sa mundo, ay di siya nagpadaig at nagpalupig. Napagtanto kong lubos na ang kabutihan ay laging nangingibabaw kaysa kasamaan at mayroon tayong kanya-kanyang pamamaraan upang makatulong sa ating kapwa at ipalaganap ang salita ng Diyos. Higit pa rito, sa mga himalang kanyang naisagawa ay nakita kong lubos ang kabutihan ng Diyos at ang walang sukat niyang pagmamahal sa atin. Sa pamamagitan ni St. John Marie Vianney, ay ipinakita ng Diyos ang kanyang walang katapusang pag-ibig at pagkalinga sa ating kanyang mga anak. Nakita ko na lahat tayo'y may kahalagahan at puwang sito sa mundo at sa susunod.
Miyerkules, Setyembre 10, 2014
Buhay ni St. John Mary Vianney
Ang buhay ni st. John Mary Vianney ay naging mahalaga para sa maraming tao sa kanyang panahon dahil siya ay napakamatulungin sa mga mga tao ukol sa kanilang mga problema. ang pinakamalaking tagumpay na nakamit niya ay ang pagiging konfesor para sa mga tao.
Ang buhay ni st. John Mary Vianney ay naging ilaw sa akin na hindi lang para sa ating sarili ang buhay natin, kailangan nating ibahagi ang ating mga kaalaman at kakayahan upang makatulong tayo sa mga tao na nangangailangan ng tulong.
Isa siya sa mga santo na tinitingala ko dahil sa mga bagay na kanyang nagawa, hindi lang para sa kanya, kundi para din sa iba. Gagawin ko ang lahat upang maging matagumpay ako sa buhay dahil ito ang paraan upang makatulong ako sa mga tao sa hinaharap tulad ni st. John Mary Vianney. Gusto ko rin magaya ang lakas ng paniniwala niya sa diyos.

Martes, Setyembre 2, 2014
Benepisyo ng K-12
Ang pag-aaral ay isang bagay na dapat nating makuha. Ito ay napakaimportanteng pamana galing sa ating mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral, tayo ay makakaahon sa kahirapan, magiging matagumpay sa lahat ng maaari nating gawin at alam natin ang mga bagay-bagay. Ngunit paano tayo yayaman sa utak kung ang sistema mismo ng edukasyon sa Pilipinas at namumulubi? Kaya inaprubahan ang K to 12 educational program.
Ang K-12 ay isang pagbabago ng sistema ng edukasyon kung saan dadagdag ng dalawang taon sa pag-aaral. May kindergarten, anim na taon sa primary education, apat na taon sa Junior High School, at dalawang taon sa Senior High School. Itong programang ito ay magbibigay ng sapat na oras para mamaster ang mga konsepto't kakayahan ng mga estudyante at mahanda sila sa kolehiyo.
Sa K-12, magkakaroon ng mga dagdag na subjects na sadyang iba kumpara sa dating programa. Ang gma estudyante ay magkakaroon ng gma subjects na para sa kolehiyo ngunit basic pa lamang. Ayon kay Frioriello (2014), ang gma kindergarten ay dapat matuto ng numbers, alphabets, colors, at shapes. Sa ika-unang grade, Filipino at English ay dapat ituro kasama ang emphasis on oral fluency. Sa ika-4 na grade, ituturo parin ang Filipino at English ngunit instruction languages na. Sa ika-7 hanggang ika-10, Biology, Chemistry, Math, at Physics ay ituturo. Sa ika-11-12, mamimili na ang mga estudyante sa mga subjects na dapat nilang kunin. Ang mga subjects na iyon ay Language, Communications, Literature, Math, Natural Science, Philosophy, Social Science, Business, Management, Accountancy, Education, HUmanities, Technology, Engineering, at Sports & Arts. Sa pagkakaroon ng mga dagdag na subjects, maihahanda ng maigi ang mga estudyante sa kolehiyo.
Malaki ang gap ng High School sa Kolehiyo. Kaya madalas nasasabi na ibang iba ang kolehiyo. Dahil din sa gap na ito, di alam ng mga paparating na studyante sa kolehiyo kung anong kurso ang kanilang gustong kunin. Hindi sila na-introduce ng maayos. Sa pamamagitan ng K-12, magiging handa ang gma studyante. Maaaring mabawasan ang bulang ng mga nagshishift.
Ang K-12 ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa pag-aaral. Maeengganyo ang gma mag-aaral dahil magkakaroon ito ng sapat na kayamanan sa kaalaman na makakamit ng mga studyante. Ngunit di ito madali. Ang pagbabagong ito ay kinakailangan ng handa. Ang tanong, handa na ba ang Pilipinas?

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)